TequilaChik
TequilaChik Let's be patient and understanding...

July 4th, 2009

ang pagbabalik!
POSTED AT 12:02 AM

hays..

a
ang tagal kong nawala.

ang daming nangyari at isa isa kong ikukwento sa inyong lahat..

 

--- begin ---

maayos ang buhay ko noon.. engaged, may anak, masaya ang pamilya at wala ng hinihiling pa. pero lahat ito nawala. nawala na parang bula.

ikaw na ang maging bulag sa pag-ibig... corny pero totoo. maayos ang relasyon ko sa kanya, alam nyo na kung sino sya.. may plano na nga kami ikasal diba. pero may dumating na isang nilalang na nagpakita ng higit pa sa ipinakita nya. tawagin na lang natin syang 'sir'. mabait si sir, maunawain at tinulungan nya ko sa lahat ng problema ko nung mga panahon na yun, kaya naman di nagtagal at nabaling din sa kanya ang atensyon ko. maasikaso, maalaga, mga bagay na normal na ginagawa ng mga kalalakihan na gustong mapalapit sa kanilang minamahal.. nakita ko kung gaano ka-sincere si sir sa lahat ng mga sinabi dahil ginagawa nya naman lahat yon. tinanggap nya kung ano at sino ako ng walang tanong. napabayaan ko ang relasyon ko sa kanya ng dahil kay sir. pero ok lang, napag-usapan naman namin yun at napagkasunduan na kung kanino ako masaya ay ok lang din sa kanya. nagpatuloy ang relasyon ko kay sir kahit tutol ang mga magulang ko. ok lang, ipinaglaban ko, tinalikuran ko ang lahat pati na ang oras na makasama ang anak ko ng dahil kay sir. ganon talaga siguro pag nagmamahal. pero lahat ng sakripisyo at pagmamahal ay nauwi pa rin sa wala.. marahil hindi pa talaga panahon para ako ay lumagay sa tahimik..


sa maikling panahon na pinagsamahan namin ni sir ay lubos akong nagpapasalamat dahil marami akong natutunan na mga bagay na hindi ko matututunan kung ako ay nanatili sa lugar kasama ang mga magulang ko. sa kanya ko natutunan kung paano ang hindi umasa sa iba. ang mamuhay mag-isa. ngayon, masasabi kong kaya ko na mabuhay sa sarili ko na di umaasa sa suportang ibibigay ng pamilya. salamat ulit kay sir dahil dito.


sa ngayon, single mode ulit ang lola nyo. living on my own at my own little place. seeing my son once in a while dahil ayaw ipaubaya ng lolo at lola ang pag-aalaga sa akin pero ok lang.

masaya pa rin kahit sawi sa pag-ibig.

--- end ---


said something

tequilachik requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
 User


tequilachik

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Tagboard
your name:

url:

your message: